Friday, November 21, 2008
♥ KTB
akala ko naiiintindihan mo ako.
akala ko hindi mo ako iiwan.
ikaw ang tunuring kong bestfriend ko mula nung third year.
kasi pag kasama kita, hindi mo ako binabalewala.
hindi ako out of place kapag ikaw kasama ko.hindi mo pinaramdam sa akin un.
nung mga panahong alam kong ayaw nila sau, na feeling ko they are stabbing you behind your back.inaaamin ko na hindi kita naipagtanggol. pero ni minsan hindi kita tinalikuran at siniraan sa likod.
sabi ko mula noon ay hindi kita iiwan.
baliktad pala ang nangyari.
ako ang iniwan mo.
ikaw lang naman ang gusto kong bumalik sa akin eh.
kahit ikaw lang. pero mukhang pati ikaw ay tinalikuran na din ako.
akala ko talga maiintindihan mo ako.
un lang naman ang hindi ko nasabi sau ah. kahit kanino hindi ko sinabi yon. wala. kahit isa.
sinolo ko lang lahat yon kasi alam kong magbabago tingin niyo/mo sakin.
una dahil naglihim ako.
pangalawa dahil i betrayed my friend.
at pangatlo dahil alam kong siya ang kakampihan niyong lahat.
katulad nga ng sinabi ko kaninang first meeting natin.
hindi ko kayang mag-open up sa kahit na sinong tao.
madalas ko lang itong sinosolo para walang madamay.
kasi hanggat kaya ko.akin na lang muna.
pero katulad nga ng sinabi mo, para saan pa ang kaibigan.
hindi rin kita masisisi kung yan ang nasa isip mo.
sa matagal nating pagsasamahan, hindi ko nasabi sau un.
na hindi ko ipinagkatiwala ang sekretong yon sau. un ang akala mo.
hindi sa hindi kita pinagkatiwalaan dahil hindi ko sinabi sau,
hindi ko lang talgang magawang i open un sa kahit na sinong tao, kaibigan man o hindi dahil gusto ko nang kalimutan yon. auko nang ungkatin pa un dahil ipinapaalala lang nito kung gaano ako kasama.
....ikaw lang naman ang kailangan ko eh. gusto kung bumalik ung dati nating pagsasamahan, pero mukang ayaw mo na ung mangyari.
sana maisip mo din na pinahalagahan kita ng husto at akala ko ikaw lang ang tanging taong makakaintindi at hindi ako iiwan sa kabila nang lahat ng nangyayari at mangyayari.
mali pala ako.
Once there was an invinsible bond that held us together, now there was just a space. That space became a gaping void quickly filled by people between us- people that offered support and protection.
3:25 AM
